KABANATA I
ANG SULIRANIN AT KALIGIRAN NITO
Panimula
Pangunahing
kasangkapan ng tao ang wika sa pagpapahayag ng kaisipan. Sa anumang anyo ng komunikasyon, malaking
papel ang ginagampanan ng wika sa pag-uugnayan ng bawat isa. Nagdudulot it ng pagkakaunawaan at pagkakaisa
na siyang nagbubuklod sa isang pamayanan.
Sa pagiging buhay at dinamiko, natutugunan ng wika ang pagganap ng tao
sa aspekto ng pakikipagtalastasan.
Malawak ang sinasaklaw ng wikang
Filipino. Bukod sa itinuturing na walong
pangunahing wika (Tagalog, Bikol, Bisaya, Hiligaynon, Cebuano, Pangasinense,
Kapampangan at Ilokano), sakop nito anglahat ng katutubong wika na sinasalita
sa buong kapuluan.
Sa kabila ng pagkakaiba-iba, kakikitaan ang
mga ito ng pagkakapareho sa istruktura pagdating sa aspekto ng ponolohiya,
morpolohiya, semantika at sintaktika.
Isang bentahe para sa patuloy na pagtuklas at paglinang sa wikang
Filipino alinsunod sa Saligang Batas ng 1987 Artikulo IV Seksyon VI.
Gayong nagkakaiba-iba, ang isang partikular na wika ay
hindi pirming nakakahon sa lugar na pinagbuhatan nito. Sa
lalawigan ng Oriental Mindoro, naging implikasyon ng lokasyong heograpikal nito
ang migrasyon ng mga tao buhat sa iba't ibang bahagi ng bansa. Bagaman karamihan ng naninirahan dito ay mga
taal na tagapagsalita ng Tagalog, palasak din sa pulo ang wikang Bisaya
partikular sa Timog na bahagi.
Kaugnay nito, matatagpuan sa Mindoro ang tribo ng mga
Mangyan. Ayon sa tala ng Wikipilipinas,
binubuo ito ng walong etnolinggwistikong pangkat ng Alangan, Bangon, Taobuid, Buhid,
Hanunuo, Iraya, Ratagnon at Tadyawan.
Napakahalagang magkaroon ng maayos na pag-uugnayan ang
mga Mindoreño kasabay ng patuloy na paglinang sa wikang inuusal. Hindi maitatangging Tagalog ang wikang
pinakapalasak hindi lamang sa lalawigan kundi maging sa buong bansa. Kaya naman
magandang salalayan ito sa pagpapaunlad ng mga katutubong wika. Binanggit sa Wikipedia na may kakayahan ang
wikang ito sa pagtutumbas ng mga salitang banyaga lalong higit ang iba pang
katutubong wika sa Pilipinas.
Ang
pananaliksik na ito ay isinagawa sapagkat nais malaman ng mga mananaliksik ang
pagkakatulad at pagkakaiba ng panlaping makangalan ng wikang Tadyawan at
Tagalog tungo sa pagbuo ng isang diksyunaryo na mapakikinabangan ng mga
mag-aaral.
Balangkas Konseptwal
Makikita sa
unang kahon ang panlaping makangalan ng wikang Tadyawan. Sa ikalawang kahon ay ang panlaping
makangalan ng wikang Tagalog. Sa
balangkas na ito ay ipinakikita ang pagkakaiba at pagkakapareho ng mga
panlaping makangalan ng wikang Tadyawan at Tagalog tungo sa pagbuo ng isang
diksyunaryo.
Paglalahad ng Suliranin
Ang
pananaliksik na ito ay inaasahang makapagbigay ng impormasyon hinggil sa
panlaping makangalan ng wikang Tadyawan at Tagalog tungo sa pagbuo ng
diksyunaryo at makasagot sa mga sumusunod na katanungan:
1.
Ano-ano ang mga panlaping makangalan ng
1.1.
Wikang Tadyawan
1.2.
Wikang Tagalog
2.
Ano-ano ang mga pagkakatulad at pagkakaiba sa
panlaping makangalan ng wikang Tadyawan at Tagalog?
3.
Batay sa
ginawang pag-aaral, anong kagamitan ang mabubuo at magagamit ng mga mag-aaral
na Tadyawan at Tagalog?
Haypotesis
Ipinalalagay
ng mga mananaliksik na walang pagkakaiba ang mga panlaping makangalan ng wikang
Tadyawan at Tagalog.
Saklaw at Delimitasyon
Sinasaklaw ng pag-aaral na ito ang
paghahambing sa mga panlaping makangalan ng mga wikang Tadyawan at Tagalog.
Nililimitahan lamang ang paghahambing sa
mga panlaping ganap at hindi ganap na magkatulad sa kahulugan at paraan ng
paglalapi.
Kahalagahan ng Pag-aaral
Ang pag-aaral na ito ay mahalaga sa mga
sumusunod:
Mga mag-aaral na Tadyawan at Tagalog. Ang pag-aaral na ito ay higit na makatutulong
upang magkaroon ng malawak na kaalaman ang mga mag-aaral hinggil sa wikang Tadyawan
at Tagalog na kanilang ginagamit sa larangan ng pakikipagtalastasan at
edukasyon.
Paaralan.
Makatutulong ang pag-aaral sa paaralan sapagkat maaring tumaas
ang bilang ng mga katutubong Tadyawan at Tagalog na mag-aaral upang magpapatala
sa institusyon dahil sa bukas na kamalayan nito sa wikang Tadyawan-Tagalog
bilang sangkap sa kurikulum.
Mga Guro.
Malaki ang maiaambag ng pag-aaral na ito sapagkat mas huhusay ang
pagtuturo ng guro sa pamamagitan ng paggamit ng diksyunaryong Tadyawan-Tagalog
na makatutugon sa pag-aaral ng mga mag-aaral.
Sa mga susunod na mananaliksik. Ang pananaliksik na ito ay malaki
ang maitutulong sa mga susunod na mananaliksik sapagkat magiging gabay nila ito
sa pag-aaral ng kaugnay na kaso. Malaki
ang maiaambag nito sa pangangalap nila ng datos at dagdag na kaalaman.
Kahulugan ng mga Talakay
Minarapat
ng mga mananaliksik na bigyan ng depinisyon ang mga sumusunod na terminolohiya
batay sa paraan ng pagkakagamit sa pananaliksik. Makatutulong ito sa ganap na pag-unawa ng
mambabasa sa mga salitang tinalakay.
Diksyunaryo – kalipunan ng mga salita
na may karampatang kahulugan.
Katutubong wika – Wika na
umiiral at sinasalita ng tao sa isang partikular na lugar.
Panlapi – kumukumpleto sa kaganapan ng
isang salita.
Panlaping Makangalan –
tumutukoy sa mga panlaping ikinakabit sa salitang-ugat upang makabuo ng
pangngalan.
Tadyawan – isa sa walong tribo ng
Mangyan na naninirahan sa Oriental Mindoro.
Tagalog – pangkat ng mga tao na mayoryang
nakatira sa Oriental Mindoro.
Wika – instrumento ng tao sa
pakikipagtalastasan.
KABANATA II
KAUGNAY NA PAG-AARAL AT LITERATURA
Inilahad sa
kabanatang ito ang mga datos sa nabasang kaugnay na banyaga at lokal na
literatura at pag-aaral. Sinikap ng mga mananaliksik na magbasa ng mga
nakalimbag at di-nailathalang babasahin mula sa silid-aklatan ng Kolehiyong
Pampamahalaan sa Mindoro ng Agrikultura at Teknolohiya sa Masipit Calapan City
at internet.
Kaugnay
na Literatura
Mayaman at
matatag ang etnolinggwistikang kultura at mga wika na nakapayong sa pambansang
hangarin sa pagkabansa. Walang buhay ang
wika kung hindi nito binibigyang buhay ang diskurso at kultura ng bansa. Ito ay nagpapakita na may malaking gampanin
ang wika sa larangan ng kultura at pagkabansa upang mabigyang halaga ng mga
mag-aaral ng iba’t ibang wika na gingamit sa ating bansa (Elizabeth Morales
Nuncio at Rhod Nuncio.2009).
Ayon kay Badayos et. Al (2008), ang wika ay
siyang tagapag-ugnay at tagapamagitan sa mga tao na bumubuo sa isang tiyak na
lipunan. Ipinakikita rito ang papel na
ginagampanan ng wika sa pagtugon ng pangangailangan ng bawat indibidwal upang maiparating
ang anumang naiisin at mithiin sa buhay sa paraang mabisa at malinaw. Nagagawa ng mga tao na maipahayag ang
saloobin sa pamamagitan ng wika.
Mahalaga ang pagkakaroon ng sariling wika
upang makilala ang kabihasnan ng isang bansa.
Masasalamin dito ang pagkakakilanlan at kultura nito. Isinasaad nga nina Mangahis et. Al (2008),
ang wika ay naglalarawan sa kultura ng isang bansa.
Likas na komplikado ang wikang Filipino sa
iba’t ibang istruktural na aspekto.
Nabanggit nina Roxas at Mula (2008), ang Filipino ay gumagamit ng hindi
matatawarang kombinasyon ng mga panlapi (unlapi, gitlapi, hulapi, kabilaan at
laguhan) maging ang pag-uulit ng mga ito sa mga salita.
Sa kabuuan, mahalagang sangkap ang wika sa
komunikasyon at pagkilala sa kulturang umiiral sa isang lugar.
Kaugnay na Pag-aaral
Ayon sa
pagsusuri ni Casumpang (2014), ang mga panghalip at panlapi sa Tagalog na
walang medaling salin sa Ingles ay may direktang salin sa Bikol at
Kapampangan. May dagdag na
ra/re/ri/ro/ru sa salita ang Bikol para ipahiwatig na dalawa o higit pa ang
tagagawa ng kilos. Gayundin ang
masalimuot na panlaping mag-an, nagsipag-an, nagsi-an ng Tagalog ay ipinahayag
gamit lamang ang iisang morpema sa Bikol at Kapampangan. Kung kaya, pagdating sa pagkakaroon ng
katumbas na kahulugan at direktang salin, tugmang-tugma ang Tagalog, Bikol at
Kapampangan.
Naging paksa sa pagsusuri ng pagbabagong
morpoponemiko sa impleksyon ng Filipino ni Francis Bautista (2010) ang kaso ng
paglalapi ng mga alomorp ng unlaping mang-.
Nakasaad dito ang mga ang pagsisiyasat sa morpoponemikong pagbabago sa
mga rut o ugat na dulot ng pagkakakabit ng unlaping mang-, isa sa
pinakaimportanteng afiks na makadiwa sa wikang Filipino na may layong magpakita
ng tuon o pokus sa panlalapi. Isinasaad
na ang impluwensya ng mga kasangkot na tunog sa paglalapi ay sumasailalim sa
asimilasyon at alomorfi kaya’t ang nabuong salita sa pagkakabitan ay kakikitaan
ng bagong elementong tunog.
SINTESIS
NG PAG-AARAL
Makikita
ang iisang kaisipan nina Elizabeth Morales Nuncio at Rhod Nuncio (2008),
Badayos e. al (2008) at Mangahis et. Al (2008), na sa kabila ng pagkakaiba-iba
ng mga wika sa Pilipinas, kaikikitaan ito ng pagkakatulad sa istruktura kapag
sinuri at pinaghambing na nagpapatunay sa repleksyon ng magkakaugnay na kultura
ng mga taong naninirahan sa isang bansa at wika.
Malaki ang pagkakatulad ng isinagawang
pagsusuri ni Casumpang(2014). Sa kanyang
pagsusuri, pinaghambing niya ang kayarian, paraan ng pagkakagamit at mga dalang
kahulugan ng paglalapi sa tatlong wika na Tagalog, Bikol at Kapampangan. Kakikitaan ng kaparehong metodo sa pag-aaral
na ito sa paghahambing ng panlaping makangalan ng wikang Tadyawan at Tagalog.
KABANATA III
DISENYO AT PAMAMARAAN NG PANANALIKSIK
Tinalakay
sa kabanatang ito ang disenyo ng pag-aaral at pamamaraang ginamit, instrument
sa pagkuha ng datos at paraan ng pagkuha ng datos.
DISENYO NG PAG-AARAL
Ang
pananaliksik na ito ay isinagawa ayon sa disenyo ng pamamaraang komparatib.
Tinangkang ipaliwanag sa pananaliksik na ito ang pagkakatulad at pagkakaiba ng
mga panlaping makangalan ng wikang Tadyawan at wikang Tagalog tungo sa pagbuo
ng isang diksyunaro.
INSTRUMENTO NG PANANALIKSIK
Ang
pag-aaral na ito ay isinagawa sa pamamagitan ng pakikipanayam o interbyu. Ang mga mananaliksik ay nagtala ng mga piling
panlaping makangalan sa wikang Tagalog para sa pagsusuring ito. Sa pamamagitan
ng panayam, direktang ipinasalin ang mga inihandang salitang Tagalog ng mga
mananaliksik sa wikang Tadyawan upang malaman at masuri ang pagkakatulad at
pagkakaiba ng mga panlaping makangalan ng wikang Tadyawan at Tagalog tungo sa
pagbuo ng isang diksyunaryo.
PARAAN NG PAGKUHA NG DATOS
Ginampanan
ng mga mananaliksik ang pagsasagawa ng mga sumusunod:
Una, nagtala ng mga piling salita na
nilapian ng mga panlaping makangalan sa wikang Tagalog ang mga mananaliksik.
Pangalawa, pumunta ang mga mananaliksik sa
Bulusan, Calapan City, kinapanayam si Angeline Layda, isang opisyal na
Tadyawan. Direktang ipinasalin ng mga mananaliksik ang mga inihandang piling
salita sa wikang Tadyawan.
Pangatlo, ang mga nakalap na mga datos ay
isinaayos ng mga mananaliksik. Nagsagawa ng pasusuri sa mga panlaping
makangalan ng wikang Tadyawan at wikang Tagalog ayon sa pagkakaiba at
pagkakatulad ng mga ito.
Panghuli, inihalayhay ng mga mananaliksik
ang resulta ng isinagawang pagsusuri sa pagkakatulad at pagkakaiba ng mga
panlaping makangalan ng wikang Tadyawan at wikang Tagalog para sa pagbuo ng
isang diksyunaryo. Inaasahan ng mga mananaliksik na makatutulong ito sa
pag-aaral ng mga mag-aaral na Tadyawan at Tagalog.
KABANATA IV
PRESENTASYON AT INTERPRETASYON NG MGA DATOS
Sa kabanatang ito, inilahad ang mga nakalap
na datos sa isinagawang pakikipagpanayam. Ang mga talahanayan ay nagpapakita ng
mga panlaping makangalan ng wikang Tagalog at Tadyawan at mga nilapiang salita
na nagpapakita ng pagkakatulad at pagkakaiba ng dalawang wika.
1. Mga Panlaping Makangalan
-an
mag/mang
|
ka-an
-in
|
taga-
pa-an
|
|
Talahanayan 1.1 Panlaping Makangalan ng Wikang
Tagalog
-an
-n
|
Inagpang-
Inak-
|
pak-an
inag-
|
p-an
-en
|
in-
pag-an
|
pa-an
k-an
|
Makikita sa
talahanayan 1.1 ang pitong mga piling panlaping makangalan ng wikang Tagalog na
ginamit ng mga mananaliksik sa pag-aaral.
Talahanayan 1.2 Mga panlaping Makangalan ng
Wikang Tadyawan
Makikita sa
Talahanayan 1.2 ang labindalawang mga panlaping makangalan ng wikang Tadyawan
na naging katumbas ng mga panlaping makangalan sa talahanayan 1.1.
2. Paghahambing ng mga Panlaping Makangalan
TAGALOG
|
TADYAWAN
|
Palayan [palay]
|
Parayan [paray]
|
Kainan [kain]
|
Kamanan [kaman]
|
Hapunan [hapon]
|
Byaponan [byapon]
|
Taguan [tago]
|
Pasoksokan [soksok]
|
Upuan [upo]
|
Paktokkawan [tokkaw]
|
Sulatan [sulat]
|
Pagbodbolawan [bodbolaw]
|
Manggagamot [gamot]
|
Inaggamot [gamot]
|
Magbubukid [bukid]
|
Inaggamas [gamas]
|
Mangingisda [isda]
|
Inagpangisda [isda]
|
Magsasaka [saka]
|
Inaktanem [tanem]
|
Mag-aaral [aral]
|
Inagadal [agadal]
|
Kakahuyan [kahoy]
|
Yangawan [yangaw]
|
Kahirapan [hirap]
|
Kilapan [milap]
|
Kamatayan [patay]
|
Katayan [matay]
|
Tagabundok [bundok]
|
Inagoli sa bulod [bulod]
|
Tagabukid [bukid]
|
Inagoli sa gamas [gamas]
|
Paaralan [aral]
|
Pagadalan [agadal]
|
Inumin(drinks)[inom]
|
Inemen [inem]
|
Talahanayan 2.1 Talaan ng mga Salitang Tadyawan
at Tagalog
Sa talahanayan 2.1, makikita ang talaan ng
mga salitang Tagalog na may katumbas sa wikang Tadyawan. Mariin ang pagkakaitim ng panlapi samantala
nakakulong sa panaklong ang
salitang-ugat.
Sa datos na
nakalap, makikitang may katumbas ang panlaping –an ng wikang Tagalog sa
Tadyawan. Ang palayan ay parayan sa Tadyawan. Walang nagbago sa panlapi.
Pansinin:
taguan [tago] pasoksokan [soksok]
upuan [upo] paktokkawan [tokkaw]
sulatan[sulat] pagbodbolawan
[bodbolaw]
Ang hulaping –an ay nagiging kabilaang pa-an,
pak-an at pag-an.
MAG/MANG
Ang
unlaping mag at mang na
kinakabitan ng inuulit na unang pantig ng salitang ugat ay nagkakaroon ng
kahulugan na tumutukoy sa gawain o hanapbuhay. Ang unlaping ito ng wikang
Tagalog ay may ibat ibang katumbas na panlapi sa wikang Tadyawan na inagpang-, inag-, inak- at in-.
KA-AN/-HAN
Ang kabilaang panlapi na ka-an/han
ay nangangahulugan ng kaisipang abstrakto at pook.
Pansinin:kahirapan [hirap] kilapan [milap]
Ang kabilaang paraan ng paglalapi
ay nanatili sa dalawang wika. Subalit sa wikang Tadyawan ay nagkaroon ng
pagpapalit ponema nang nilapian ang salitang-ugat nito.
TAGA-
Ang unlaping taga- ay
nangangahulugang lahing pinagmulan o gawain ng isang tao. Wala itong katumbas
sa wikang Tadyawan. Bagkus, tinutumbasan
ito ng salitang inagoli sa na nangangahulugang nakatira sa.
PA-AN
Ang unlaping pa- at hulaping –an ay nangangahulugan ng pook, ngalan o kinalabasan. Ang panlaping ito ay may katumbas na panlaping
p-an sa wikang Tadyawan.
-IN
Ang –in ay nangangahulugang tumutugon sa bagay na tumanggap ng kilos o
hugis ng sinasaad ng salitang-ugat o maaaring relasyon. Walang nagbago sa
paggamit ng hulaping –in na may
katumbas na –en sa wikang Tadyawan.
DIKSYUNARYONG TAGALOG-TADYAWAN
Aral. Agadal
Isang gawain
o proseso ng pagkatuto.
Bukid. Gamas
Lugar na
malapit sa kabundukan na taniman ng mga gulay at halaman.
Bundok. Bulod
Anyong
lupa na mas mataas kaysa burol.
Gamot. Gamot
Sangkap
na nagpapagaling sa taong may sakit.
Hapon. Byapon
Oras
pagkatapos ng tanghalian at bago gumabi
Hapunan. Byaponan
Pagkaing
kinakain sa gabi
Hirap. Milap
Kapos o
suliranin sa pagtamo ng isang bagay.
Isda. Isda
Uri ng
hayop na lumalangoy at nakatira sa tubig.
Kainan. Kamanan
Lugar
kung saan kumakain
Kain. Kaman
Akto
ng pagkain
Kahoy. Yangaw
Bumubuo sa bahagi ng katawan ng puno.
Kakahuyan. Yangawan
Lugar
kung saan maraming punong-kahoy.
Kahirapan. Kilapan
Kalagayan ng pagiging hirap.
Kamatayan. Katayan
Panahon o
oras ng pagkawala ng buhay ng isang nilalang.
Manggagamot. Inaggamot
Taong
nagpapagaling ng may karamdaman.
Magbubukid. Inaggamas
Taong
nangangalaga sa bukid.
Mangingisda. Inagpangisda
Taong
nanghuhuli ng mga isda.
Magsasaka. Inaktanem
Taong
umaani at nagtatanim ng mga halamang pang-agrikultura.
Mag-aaral. Inagadal
Taong
pumapasok sa paaralan para matuto.
Tagabundok. Inagoli sa bulod
Taong
nakatira sa bundok
Tagabukid. Inagoli sa gamas
Taong
nakatira sa bukid
Paaralan. Pagadalan
Lugar
kung saan nagaganap ang pormal na pagkatuto ng isang bata.
Palay. Paray
Binhi na
itinatanim.
Palayan. Parayan
Lugar na
pinagtataniman ng palay.
Patay. Matay
Walang
buhay.
Saka. Tanem
Tumutukoy
sa akto ng pagtatanim o pag-aani.
Sulat. Bodbolaw
Pagsasatitik
ng mga simbulo.
Sulatan. Pagbodbolawan
Bagay o
lugar na pinagsusulatan.
Tago. Soksok
Pagkukubli
Taguan. Pasoksokan
Lugar
na pinaglalagyan ng itinatago.
Upo.
Akto ng
pag-upo
Upuan.
Silya o
bagay na inuupuan
KABANATA V
BUOD, MGA NATUKLASAN, KONKLUSYON AT
REKOMENDASYON
Ang
kabanatang ito ay naglalahad ng lagom, mga natuklasan, kongklusyon at
rekomendasyon hinggil sa isinagawang pag-aaral.
BUOD
Binibigyang
kasagutan ng mga mananaliksik ang mga sumusunod na katanungan:
1.
Ano-ano ang mga panlaping makangalan ng
1.1.
Wikang Tagalog
1.2.
Wikang Tadyawan
2.
Ano-ano ang mga pagkakatulad at pagkakaiba sa
panlaping makangalan ng wikang Tadyawan at Tagalog?
3.
Batay sa ginawang pag-aaral, anong diksyunaryong
Tagalog-Tadyawan ang mabubuo at magagamit ng mga mag-aaral na Tagalog at
Tadyawan sa kanilang pag-aaral.
MGA NATUKLASAN
Gamit ang
mga datos na nalikom , natuklasan ng mga mananaliksik na ang mga sumusunod:
a. Ang mga
gamiting panlaping makangalan ng wikang Tagalog at Tadyawan ay:
·
–an na may katumbas na –an, pag-an, pak-an, at pa-an
·
mag-/mang na may katumbas na inag-, inak-, inagpang-, in-
·
ka+ pag-uulit ng unang pantig ng
salitang ugat + an na may katumbas na -an
·
ka-an na may katumbas na k-an
·
pa-an na may katumbas na p-an
·
in na may katumbas na –en
a.
Nagkakatulad
ang mga panlaping makangalan ng wikang Tagalog at Tadyawan sa aspekto ng:
KONKLUSYON
Batay sa inilahad
at sinuring datos, napagtanto ng mga mananaliksik na mayroong pagkakaiba at pagkakatulad
ang mga panlaping makangalan ng wikang Tadyawan at Tagalog sa paraan ng
paglalapi.
REKOMENDASYON
Para sa
institusyon, patuloy na suportahan ang mga programa ukol sa paglinang ng wikang
katutubo sa Mindoro.
Para sa mga guro, maging bukas ang kanilang
mga isipan sa pagsulong ng mga gawain tungo sa pagtuklas sa wikang umiiral sa
kapuluan.
Para sa mga mag-aaral na Tadyawan, patuloy
na gamitin ang sariling wika sa upang maipalaganap ang pag-usal nito.
Para sa mga susunod na mananaliksik,
ipagpatuloy at palawakin ang pag-aaral na ito. Saliksikin pa ang ibat ibang
mahahalagang datos at impormasyon na makatutulong sa pag-aaral na ito.
SANGGUNIAN
Casumpang, Judes Tyron. (2014). Panghalip, Panlapi at Pagtanaw sa Mundo:
Komparatibong Pagsusuri ng Wikang Tagalog, Bikol at Kapampangan.
Mangyan. (n.d) Nakuha noong Setyembre 16, 2016, mula sa
http://wikifilipinas.org/index.php/Mangyan
Nuncio, Rhod V & Nuncio, Moralea M. (2008). Sagandiwa. http://kritikasatabitabi.wordpress.com/2008/10/26/sagandiwa/
Marcial, Francis.(2004). Paghahambing ng
morpema ng wikang Filipino at wikang Sama.
Metalinggwistikong Pagtalakay sa Wika (n.d) Nakuha noong Setyembre 16,
2016, mula sa http://maestroaeious101.blogspot.com/2015/05/metalinggwistikong-pagtalakay-sa-wika.html?m=1
APENDIKS
Personal na Datos
Pangalan: Alexa Mae Gillado Marchina
Tirahan: Baranggay Arangin Naujan
Oriental Mindoro
Kapanganakan: Hunyo 30,
1998
Lugar ng Kapanganakan: Baranggay
Calero Calapan City
Katayuan: Single
Edad: 18
Pagkamamamayan: Filipino
Relihiyon: Katoliko
Pangalan ng Ama: Marlo
Marchina
Pangalan ng Ina: Marcelina
Gillado Marchina
Tirahan: Baranggay Arangin Naujan
Oriental Mindoro
Edukasyon
Primarya: Adriatico Memorial School
Sekondarya: Aurora National High School
Tersyarya: Mindoro State College of
Agriculture and Technology
APENDIKS
Personal
na Datos
Pangalan: Shiela R. Irangan
Tirahan: Baranggay Malo, Bansud
Oriental Mindoro
Kapanganakan: Nobyembre
23, 1996
Lugar ng Kapanganakan: Baranggay Malo,
Bansud, Oriental Mindoro
Katayuan: Single
Edad: 19
Pagkamamamayan: Filipino
Relihiyon: Baptist
Pangalan ng Ama: Noli O.
Irangan
Pangalan ng Ina: Clenie R.
Irangan
Tirahan: Baranggay Malo,
Bansud, Oriental Mindoro
Edukasyon
Primarya: Malo
Elementary School
Sekondarya: Villapagasa
National High School
Tersyarya: Mindoro State College of
Agriculture and Technology
Lucky Club Casino Site - LuckyClub.live
TumugonBurahinLucky luckyclub.live Club Casino is a site that's got the best games in gaming for players, as well as great slots and live dealer games to keep you